OMNI TV Citytv OLN FXX FX Canada Rogers Radio
LOGIN |    username: password:      I agree to the terms & conditions Login
| Create Account

< See All Press Releases

Inanunsiyo ang Broadcast Team para sa Blue Jays: Pinoy Edition, Ilulunsad sa Agosto 5 sa OMNI Television

– Ang mga Sportscaster na sina Mara Aquino, Mike Cruz, at Charles de Torres ang tatawag ng action –

– Isasahimpapawid ang mga game twuing Linggo sa OMNI.2, OMNI BC, OMNI Alberta at OMNI Regional sa natitirang bahagi ng regular na season –

Toronto (Hulyo 31, 2018) – Dalhin ako sa ball game! Simula sa Linggo, Ago. 5, ang OMNI Television ang eksklusibong tahanan ng Toronto Blue Jays sa wikang Tagalog. Tuwing Linggo sa OMNI.2, OMNI BC, OMNI Alberta at OMNI Regional sa kabuuan ang natitira sa regular na season, ang mga sportscaster na sina Mara Aquino, Mike Cruz at Charles de Torres ay maghahatid ng Team ng Canada sa mga etniko at ikatlong wikang manonood na may live coverage ng mga home at malayong laro ng Blue Jays: Pinoy Edition.

“Ang sports ay laging may kakayahang pagsamahin ang mga tao ay masyado kaming nasasabik na kumonekta sa mga komunidad ng Filipino sa buong bansa sa kakaibang mukhang tio ng Canadian na kultura,” sabi ni Manuel Fonseca, Director, OMNI, Lifestyle & Entertainment Production, Rogers Media. “Sa mga kakaibang asset sa Rogers Media, nakakabuo kami sa dinamikong programming schedule na naghahandog sa aming mga multilingual na audience ng mas maraming world-class sports content sa aming kauna-unahang baseball broadcast sa ikatlong wika.”

Kilalanin ang team:

Mara Aquino, Host – Si Aquino ay hindi na naiiba sa sports reporting, gumaganap bilang sportscaster at courtside reporter para sa Philippine Basketball Association sa Pilipinas. Si Aquino rin ang host ng half-time na palabas na Moneyball sa TV 5. Si Aquino ay passionate sa Filipino martial arts at isang ambassador para sa Bully Proof Society ng Toronto.

Mike Cruz, Colour Commentator – Si Cruz ay ang CEO ng Crossover Sports Canada, isang sporting events management company. Si Cruz Ay may malawak na karanasan sa pagpaplano at pamamahala ng mga lokal na pangkomunidad na programa, kasama ang Durham Crossover Basketball Club. Nagtapos siya sa Durham College sa Sports Business Management.

Charles de Torres, Play-by-Play Announcer – Pinanganak at lumaki sa Quezon City, Pilipinas, si de Torres ay isang sports enthusiast at aktibong kalahok sa kanyang Vancouver community baseball at mga liga ng basketball. Si De Torres ay naging ekstra sa iba't ibang palabas, kasama ang Riverdale, The Good Doctor, Colony at Salvation.

Panoorin ang mga sumusunod na laro sa OMNI Television:

· Linggo, Ago. 5 – Toronto @ Seattle Mariners (4 p.m. ET / 1 p.m. PT)

· Linggo, Ago. 12 – Tampa Bay Rays @ Toronto (1 p.m. ET / 10 a.m. PT)

· Linggo, Ago. 19 – Toronto @ New York Yankees (1 p.m. ET / 10 a.m. PT)

· Linggo, Ago. 26 – Philadelphia Phillies @ Toronto (1 p.m. ET / 10 a.m. PT)

· Linggo, Set. 2 – Toronto @ Miami Marlins (1p.m. ET / 10 a.m. PT)

· Linggo, Set. 9 – Cleveland Indians @ Toronto (1 p.m. ET / 10 a.m. PT)

· Linggo, Set. 16 – Toronto @ New York Yankees (1 p.m. ET / 10 a.m. PT)

· Linggo, Set. 23 – Tampa Bay Rays @ Toronto (1 p.m. ET / 10 a.m. PT)

· Linggo, Set. 30 – Toronto @ Tampa Bay Rays (3 p.m. ET / 12 p.m. PT)

Ang Blue Jays sa OMNI ay magpapalabas ng home at away games nang live tuwing Linggo gamit ang feed ng Sportsnet.

Tungkol sa OMNI Television

Ang OMNI Television ay ang tanging multilingual at multicultural television broadcaster ng Canada. Makukuha sa 11 milyong tahanan sa Canada, kasama ng OMNI brand ang pambansang TV channel na OMNI Regional at limang lokal na istasyon ng telebisyon. Naghahandog ang OMNI ng malawak na saklaw ng lokal na produced at nakuhang programming sa mahigit 20 wika, kabilang ang balita, mga current affair at entertainment na nilalaman sa Cantonese, Italian, Portuguese, Mandarin at Punjabi. Ang OMNI ay bahagi ng Rogers Media, na subsidiyarya ng Rogers Communications Inc. (TSX, NYSE: RCI). Pumunta sa OMNITV.ca

Mga Social Media Link

I-click ang http://www.omnitv.ca/ (para sa Quebec www.icitelevision.ca)

I-click ang http://www.supportomnitv.ca

I-like ang OMNI Television sa Facebook.com/OMNITelevision

Hanapin ang OMNI Television sa WeChat

Mga Media Contact

Michelle Lomack, OMNI Television, Michelle.Lomack@rci.rogers.com , 416-819-2783

Caitlin Decarie, OMNI Television, Caitlin.Decarie@rci.rogers.com , 647-299-6733


Citytv Shows